RSS
Larawan

Pag Anunsyo ng PS4

Pag Anunsyo ng PS4

Kailangan ng ihanda ang ating mga pitaka dahil malapit ng dumating ang susunod na henerasyon. (Maliban na lang sa Wii-U na napaaga ata)

Advertisements
 
Mag-iwan ng puna

Posted by sa Pebrero 21, 2013 in Gaming

 

Mga kataga

Pag natapos na ang laro. Benta o Itago? (PS3)

Yan ang lagi kong tinatanong sa aking sarili noong mga nakalipas na buwan. Wala kasi akong pambili sa mga bagong laro na lalabas o lumabas na maganda sa PS3. Tapos marami ding dadating na magagandang laro sa 3ds, kaya balak ko ding bumili. Wala pakong trabaho, nagaaral pa lang sa kolehiyo pero last year ko na(sana) at parang di ko nakikita sarili ko sa future sa course ko (pero ibang problema na yon). Kaya eto, walang pambili, nakakahiya naman sa magulang kong huminging pera. Kaya noong nagka-ps3 ako, nag bubuy and sell ako. Kung may trabaho sana ako edi collect lang ng collect, pero dadating din tayo dyan.

Kung balak mong ibenta:

Pagisipan mong mabuti, baka kasi after ilang days, months or years balak mo nanamang laruin. Tapos mabibigo ka lang kasi wala na sa kamay mo (ilang beses na nangyari sakin yan, pero. Tuloy parin ako). Yung mga di mo trip, benta mo na yan maliban na lang kung kolektor ka kaya malamang wag. Pero isipin mo rin, pag binenta mo yan makakabili ka ng mga bagong laro o mga larong di mo pa nalalaro.

Mas maganda kung nabili mo yung laro ng halimbawa P1800, pero sa sobrang bilis mo maglaro, natapos mo na o kaya napagsawaan kaagad kaya mabebenta mo ulit yun ng P1800! Edi solve solve ka. Parang wala kang ginastos at may pambili ka pa ulit. Same cycle lang lagi at parang naglalaro ka ng mga laro ng libre lang kasi buy then sell agad. Sarap diba, problema lang baka mawalan ka ng time sa paglalaro at pagbebenta mo na, bumaba na yung selling price kaya baka gumastos ka, pero mga 100-500 lang naman siguro.

Ganyan ako dati, minsan nga binibili ko na rin yung mga di ko kailangan para ibenta sa mas mataas na presyo hahaha. Masaya magbenta, matipid, lalo na kung marunong kang dumiskarte. Pero..

Kung balak mong itago:

Ikaw, mapapayo ko lang magastos to kumpara sa pagbebenta. Pwede mong itago ang mga gusto mo, at benta yung mga larong di mo na uulitin, pero gagastos ka parin. Ganito na ako ngayon, tinatago ang laro kahit di kagandahan, pero pinipili ko naman kung ano ang gusto ko malamang, sino ba ang bili ng bili ng laro kahit di pa ito nakikita kung saan? Hahaha. Mga bata siguro, ganun ako noong bata noong panahon ng snes at psx. Lahat ng cd o bala nandito pa sakin, nakakalat lang hehe.

Dahil binibenta ko mga ps3 games ko nung una, lagi akong may nararamdaman na parang gusto ko laruin ulit yung ganoon, ganyan at ganito. Problema lang wala na, dahil binenta ko na.. Lungkot.. At gustuhin ko man maglaro ng iba, wala, blanko drawer ko. Isa o dalawa lang. Kaya simula noon, di ko na binibenta ang fighting games ko. Pagtagal, pati mga PEYBORIT kong games tulad ng disgaea at dynasty warriors series di ko na binenta. Hanga’t sa wala na akong binibenta. Masaya naman ako, minsan lang matagal ko makukuha gusto ko kasi nagiipon ako para lang makabili. Isa lang masasabi ko.. TOTALLY WORTH IT! Lalo na pag nakikita kong lumalaki na uli ang gaming library ko.

KAYA ITAGO>BENTA AKO

Kaya mas pabor ako kasi naisip ko naman na simula bata ako, naglalaro na ako ng video games. So masasabi kong gamer at heart from the very start ako. Di naman ako super addict na oras oras bawat araw naglalaro. May buhay din ako, sa school, sa tropa, sa pamilya at sa girlfriend na kalive-in ko. Ineenjoy ko lang, walang ibang worries basta maglaro parang noong bata lang ako. Pero aaminin ko, na-adik ako sa counter dati at sumunod dota tapos ngayon lol naman o kaya league of legends. I love playing video games, kaya lahat ng larong makukuha ko ay itatago ko. Di para sa payabangan o kaya para lang may makolekta, itatago ko dahil gusto ko lang, walang ibang dahilan.

Pagtanda siguro mas madali kasi may steady income na ako pero di siguro masyado lalo may pamilya na ako. Pero di ko parin makakalimutan yan. Siguro pag mga tatay na kaming magkakaibigan eh maglalaro parin kami paminsan minsan pero kasama na mga anak namin.

 
Mag-iwan ng puna

Posted by sa Pebrero 20, 2013 in Gaming

 

Mga kataga

Sa wakas, natapos na. (FOTNS: Ken’s Rage 2)

Natapos ko na lahat, LEGEND at DREAM mode, para sa lahat ng characters. At ang pinaka-nilaro kong mga characters ay sila Kenshiro, Rei, Toki at Raoh. Yung iba di ko na masyadong sineryoso, binilisan ko lang yung kanya-kanya nilang ruta.

By order ng pinakamalakas sa akin ay sina:

  • TOKI – 10/10
  • RAOH – 9/10
  • REI – 8/10
  • KENSHIRO – 8/10

*yung mga rating na yan, pauso ko lang yan. Wag masyadong pansinin.

Sayang, napagod at natamad na ako. Alam kong may mga mas malakas pang ibang characters kaysa sa apat na yan pero di ko pa masyadong tinry. Speed run na lang ako sa dream mode para sa ibang characters. Sina Ryuga, Juza at iba pang mga Nanto characters balita ko ay malakas daw. Pero okay lang. Nag-enjoy naman ako kahit di ko pa sila nalalaro masyado.

Overall, sobrang nag enjoy ako sa game. Yun naman ang importante diba, ang mag-eenjoy ka. Parang noong bata ka lang, pabili ka lang ng pabili ng laro sa magulan mo pag may nakikita ka kasi muka lang maganda yung mga pictures sa cd or sa kahon para sa snes (Oh sweet memories).

Pero tama na yang pag-aalala sa nakaraan..

Ang Ken’s Rage 2 ay isang laro na aking babalik-balikan katulad ng Dynasty at Orochi. Isang magandang laro na ida-dagdag sa mga magagandang koleksyon. Kaya itatabi ko na muna, kasi ako’y pagod o tinatamad na pero di ibig sabihin nun ay ako’y napangitan. Kailangan lang ng pahinga, upang balikan. Para na akong tumutula dito, ah basta, maganda to kaya bumili kayo lalo na pag mahilig kayo sa musou games.

Makiki-rating na rin ako katulad ng mga reviewers kahit di ko ni-review.

Nag-enjoy ako sa laro kaya.. 8/10!

 
Mag-iwan ng puna

Posted by sa Pebrero 19, 2013 in Gaming

 

Mga kataga

Ken’s Rage 2: Kenshiro

Image“You’re already dead”, ang tag line ni Kenshiro lagi pag kalaban siya. Di ko parin tapos yung laro. Mahaba haba pala o baka lang mabagal ako maglaro, mga 1 – 3 hours lang per day tapos sumesegway ako sa dream mode para lang ma-try yung mga na-unlock kong characters.

Si Kenshiro eh parang yung mga general na bida sa mga shounen na manga. Una mahina, tapos palakas ng palakas dahil sa mga pagdadaanan niya. Mga ganun. Pero ano naman, nakaka-aliw naman kasi yung shounen na genre, gusto mong makita silang lumakas at lumakas kasi nasimulan mo noong mahina pa eh. Sa ngayon si Kenshiro pa lang yung pinaka-main character ko sa Ken’s Rage 2. Eh siya bida eh, nakakatamad pang gumamit ng iba. Tsaka trip ko yung charge-3 na attack niya, talagan tatalsik mga kalaban mo o kaya mamatay na lang. Kung pwede sanang ganito din ka “violent” yung Dynasty Warriors series eh.

At sana rin, yung mga musou sa DW series eh kasing rami ng mga signature moves dito sa larong ito. Ang dami bawat is eh, di kokonti ng apat at iba iba ang growth rate nila depende sa stat ng character. Katulad ni Kenshiro, mga 9 na ata yung napalabas kong signature moves. May mas ginagamit ako kaysa sa iba kasi mas malakas eh, tsaka depende kung anong mataas na stat ng character ko. Katulad na lang ng “North Star Seven Stars of Death” na signature move niya. Unblockable tapos ang lakas pa ng bawas at matipid kasi dalawang aura bars lang ang mababawas (isa kung may 5th scroll nexus) kaya maraming beses mo ito magagamit. At bago lang may napalabas dalawang signature move na malaki ang area kung san ito tatama. Angas kasi nakakapanibago sa Dynasty Warriors series. Maganda din yung R1 attack niya, kasi pag tumama yun, mas lalakas ang bawas mo sa mga kalaban.

Si Kenshiro pa lang yan, di ko pa masyadong siniseryoso yung ibang mga characters, di ko pa alam kung sino isusunod ko pero baka yung bestfriend ni Kenshiro na si Rei (kahit na mukang weak yung moves). O kaya si Rao o si Thouzer, pero ewan. Na-eexcite nakong mag-try ng iba, bagal ko kasing maglaro eh. Hahahaha.

Kung gagawa man ulit yung Koei ng parang Warriors Orochi eh sana isali na nila itong Fist of the North Star at yung One piece (pinaka peyborit kong anime/manga sunod sa DBZ). Para mas magulo at mas masaya. Wag muna yung Gundam, or pwede rin, gawin lang nilang maliit yung mga gundam.

Baka simulan ko naring basahin yung manga na to. Mukang nakakatuwa eh, di pa kasi ako buhay noong 1988 at kung buhay man ako, baka wala naman akong masyadong access sa weekly shounen jump. Di katulad ngayon, may mga mababait na nag-scascan at nag-tratranslate ng mga manga. Maraming salamat strangers! 

 
Mag-iwan ng puna

Posted by sa Pebrero 14, 2013 in Gaming

 

Mga kataga

Fist Of The North Star: Ken’s Rage 2. Maganda naman eh.

Image

Nagustuhan ko itong larong ito kahit na mababa yung mga review niya. Sanay naman ako kasi puro mabababa yung scores ng Dynasty Warriors dati sa PS2. Ewan ko, siguro dahil bias ako kasi mahilig ako sa mga larong ganito. Kaya siguro natripan ko to kasi iba siya, I mean, iba yung characters, iba yung setting at iba yung mga skills at equipment system kaysa sa original nilang laro na Dynasty Warriors.

Kung di ka fan ng mga ganitong klaseng laro baka hindi mo ma-tripan talaga. Pero ako sayang-saya ako eh. Hahaha.

Kahit wala akong ka-alamalam sa manga na “Fist of the North Star” eh ayos lang sa akin. Kasi may LEGEND MODE naman at para ka naring nagbasa ng manga. Kahit minsan medyo sumisingit yung mga scene pag bakbakan na. Tiningnan ko yung manga kung ilang chapters, konti lang pala. Sayang. Mukang interasado na ako sa anime na ito eh. Angas kasi ng mga skills at kung iba iba talaga style ng bawat character sa iba. Parang nahahawigan ko nga si Toriko(Toriko manga) kay kenshiro at si Zebra(Toriko manga ulit) kay Raoh eh. Which is cool.

Madaming may reklamo sa Dream Mode kasi mas maganda daw yung sa Ken’s Rage 1. Sana kung gumawa silang Ken’s Rage 3 eh ma-ayos na nila yung dapat ayusin. Parang trilogy katulad ng Gundam. Pero para sa akin maganda naman siya(paulit-ulit). Basta Koei may gawa, bias talaga ako. Hahaha. Lalo na sa Dynasty Warriors kahit di ko trip yung lumilipad-lipad nilang ginawa dati.

Looking forward sa mga susunod pang gagawin ng Koei. And I love this game even though mababa ang rating sa metacritic. Sana magka-Ken’s Rage 3.

Sige na. Maglalaro muna ako ulit.

Photo Courtesy of http://www.egmnow.com

 
Mag-iwan ng puna

Posted by sa Pebrero 12, 2013 in Gaming

 

Mga kataga